RSS

Pink Urinal on Tumblr

Pink Urinal | Happies | The Pink Delta
Jun 23

Mushdan mo, o Pag-ibig ko

Nasasabik ako sa pag-ibig mo

At sa pag-ibig mo lamang

Sa iyo ang mundo ko ay tumigil

Umikot, tumigil, umikot

At tumigil muli

Ngunit nasaan ang init ng iyong halik?

Nasaan ang lambing sa iyong mga yapos?

At nasaan ang pangakong pagmamahalan?

Nilalamon ako ng sakit;

Bakit hindi mo matumbasan ang aking pag-ibig?

At bakit magkaganun man ay nandito pa rin ako?

Ang lubos ko lang na minimithi

Ay ang pag-ibig mo

At makasama ka

Hanggang sa huling sandali

Hanggang sa huling pintig

Hanggang sa huling hibla ng aking buhay.

Ito lang ang aking hiling;

Sana’y mapagbigyan mo, o Pag-ibig ko

subscribe via rss  /  powered by tumblr  /  theme by nik